Una sa Balita

Nakakapagod ang sex — Sue

0 1,108

Bargas na babae ang tawag ni Sue Ramirez sa sarili. Kaya naman wala siyang takot sabihin sa pelikulang “Cuddle Weather” ang sex organs ng mga tao at salitang kant@#$ sa mga eksena niya dahil sa role niyang pokpok.

“Sa household namin, hindi po big deal ‘yon.

“Lumaki akong may sakit ang tatay ko. Kapag umiihi ang tatay, minsan nasa bote. Minsan ako pa ang magtatapon at ako ang magbabalik uli.

“So for me, I do not sexualize that words because I grew up witnessing and seeing those stuffs. Hindi siya big deal for me. Tit* lang ‘yon kumbaga.

Hashtag tit* lang ‘yon. Hashtag s*so lang ‘yon!” diretsa-hang sabi ni Sue.

Pati nga salitang kant#$% ay kaya niyang sabihin nang diretso.

“Kaya naman ang pelikulang ito ay awareness din. ‘Wag tayong maging sensitibo sa naririnig natin. Words are just words and how you react to it free.

“Kung paano mo tatanggapin. Depende pa rin sa atin ‘yon,” pahayag pa niya.

Anyway, bukod sa lambingan, masarap daw magkape kapag umuulan, o tipong ‘cuddle weather’.

“Nakakapagod ang sex!” sabi ni Sue.

Tanong sa kanya, sila pa ba ng dyowa niya ngayon?

“Guess ninyo na lang ang reaction ko. Yes, it’s complicated!” tugon ni Sue.

Kumusta naman si RK Bagatsing na first time niyang maging leading man?

“I was so surprised. Never pa kaming nagkatrabaho. We’ve never met.

Hindi kami acquaintances. Napanood ko lang siya dati sa ‘Be My Lady’.

“Nagulat ako. Na-surprise ako ni RK! Ang dami kong natutunan sa kanya.

Kung paano mo i-handle ang tanong sa ‘yo.

“Ang dami rin niyang naituro sa akin in terms of comfortability. I’m very thankful!” deklara ni Sue.

Isa sa entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino ang “Cuddle Weather” mula sa Regal Entertainment, Inc. line produced by Project 8.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy