Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nakakaloka: J.Lo naghubo sa IG

0 344

Binulabog ni Jennifer Lopez ang social media nang i-post nito ang hubo’t hubad na katawan na cover ng kanyang new single na “In the Morning.”

Bago i-drop ang new single, nagpatikim ang 51-year old singer-actress ng teaser video bilang pang-promo. Ang kanyang racy cover na kuha nina Mert Alas and Marcus Piggott ay panggulat at pang-“break ng internet”.

Proud si J.Lo sa kanyang nude photo dahil kita ang pinaghirapan niyang rock-hard abs at ang well-toned na signature J.Lo ass. Proud din ang fiance niyang si Alex Rodriguez at pinost niya ang photo sa kanyang Instagram.

Kelan lang ay nagwagi si J.Lo sa E! People’s Choice Awards as The People’s Icon of 2020. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.