Una sa Balita

Nakakalitong ranggo sa PNP, solb sa bagong batas

By
0 800

INAASAHANG mas magiging malapit ang Philippine National­ Police (PNP) at maiiwasan na ang kalituhan sa ranggo ng mga pulis sa bagong batas na iniakda ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson.

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11200, kung saan gagawing standard ang tawag sa mga opisyal ng pulis.

“This measure eliminates confusion on how our law enforcers must be addressed, and brings our policemen closer to the popu­lace. More importantly, this allows for better coordination between the PNP and other law enforcement units in countering terrorism and other threats to national security,” saad ng dating hepe ng Pambansang Pulisya.

Sa ilalim ng batas, ang rank classification system ng PNP ay sisimulan sa salitang Police.

Ang may pinakamataas na ranggo na Director-General ay tatawaging Police General habang Deputy Director-General ay magiging Police Lieutenant General at ang Director ay tatawagin nang Police Major General.

Ang Chief Superintendent ay magiging Police Brigadier General;­ Senior Superintendent ay Police Colonel; Superintendent ay Police Lieutenant Colonel; Chief Inspector ay magiging Police Major; Senior Inspector ay tatawagin nang Police Captain habang ang Inspector ay magi­ging Police Lieutenant.

Ang  SPO4 ay tatawagin nang Police Executive Master Sergeant; Police Chief Master Sergeant ang SPO3; ang SPO2 ay Police Senior Master Sergeant habang ang  SPO1 ay Police Master Sergeant.

Magiging Police Staff Sergeant ang PO3 habang Police Corporal ang PO2 at Patrolman/Patrolwoman ang PO1.

“It has been nearly 30 years since the passage of Republic Act 6975, yet almost everyone has been more accustomed to the rank classification using mi­litary terminologies but are aware that they are referring to the police and not the military,” diin ni Lacson.

Palalakasin din aniya ang interoperability ng PNP at AFP sa pamamagitan ng halos magkakapareho nilang ranggo.

Nilinaw naman ni Lacson na hindi ito magdudulot ng militarisasyon sa PNP at mananatili ang civilian character nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy