Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Nakakakilig pag-amin!’: Julie mahal kita – Rayver

0 240

Seryoso at hindi pang-love team lang, o para sa career lang ang nararamdaman ni Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose.

Inihayag niya ito sa birthday party ni Julie Anne, na sinabihan nga niya na, ‘Mahal kita’.

Dumagundong ang Instagram ni Dianne Medina sa pinost niyang video ng kaganapan kina Rayver, Julie Anne sa birthday celebration ng huli.

Kabilang sina Dianne at asawang si Rodjun Cruz (utol ni Rayver) sa mga dumalo sa okasyon.

Mapapanood sa video si Rayver na tumayo, sumayaw ng bahagya patungo sa stage kung saan nakaupo sa celebrant chair si Julie.

Sa birthday message ay in-acknowledge muna ni Rayver ang mga magulang ni Julie Anne, at kapatid nito.

Binahagi niyang hindi naman siya bago sa pamilya ni Julie dahil nakikita naman siyang dumadalaw sa bahay ng actress-singer.

“Happy birthday Jules. Nandito lang ako, maghihintay ako kahit gaano katagal. ‘Pag ready ka na at okey na kay Tito (tatay ni Julie Anne)!” sabi ni Rayver, na kinakilig ng mga tao sa paligid.

Sa huli sinambit ni Rayver ang mga salita para kay Julie Anne na, ‘Mahal kita’ at ‘happy birthday’.

Nagsisigawan ang mga tao sa venue sa narinig nilang sinabi ni Rayver, na nakakakilig naman talaga.

Tumatawa lang si Julie Anne sa mga sinabi ni Rayver, na tila parang alam na nito ang palaman sa message ng aktor.

Nang lapitan ni Rayver si Julie Anne, yumakap din si Julie at nakinig pa sa mga ibang sinabi ng ka-‘relasyon’.

Maging si Dianne ay nagbahagi ng kanyang kilig na naramdaman sa nasaksihang love message ni Rayver.

Lahat ng mga Kapuso star ay pumalakpak, humiyaw sa suporta kay Rayver.

Kung mapapanood ito ni Janine Gutierrez, na ex-girlfriend ni Rayver, imposibleng hindi siya makaramdaman ng selos o panghihinayang, dahil sa ginagawa ni Rayver kay Julie ngayon.

Ang bongga lang na old school talaga ang orientation ni Rayver sa panliligaw. Noong sinusuyo pa lang niya si Janine ay una muna niyang sinuyo si Lotlot de Leon, ina ni Janine.

Pero teka lang, alam naman nating lahat na masaya rin si Janine ngayon kay Paulo Avelino. So, quits lang sila, di ba?

Maine ‘di feeling sikat, walang ere

Kung bakit pasok sa lahat ng mga kasamahan niya sa showbiz si Maine Mendoza at hindi ito nahirapan pakibagayan, ay dahil sa kanyang well-rounded personality o tinatawag na ‘down to earth”.

Ang resibo ay makikita sa post ni Ciara Sotto, nang magkita-kita sila ni Maine, kasama ang mga kaibigan at co-star sa “Daddy’s Gurl”.

Sa nasabing bonding makikitang pizza at fried chicken lang ang nilafang ng mga ito, gayong puwede naman silang maghanda nang bonggang-bongga, o mag-order ng mas maraming pagkain.

Pero nakuntento na ang grupo, na masayang pinagsaluhan ang pagkain.

Makikita sa ilang larawan ang halakhakan ng lahat, na akala mo wala nang bukas ang susunod pang kasayahan.

Sa isang larawan, si Maine pa ang kumuha ng selfie.

Kahit anong antas ay swak talaga si Maine, mapa-sosyal, mapa-jologs o simpleng bonding lang game na game siya.

Marvin mas mayaman sa mga sikat

Ang bongga ni Marvin Agustin ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal ang lumamlam na negosyo niya.

Nadagdagan uli ng bagong branch ang isa sa mga resto ng actor/chef, na binalita niya sa Instagram.

Binahagi ni Marvin ang pagbubukas ng “Secret Kitchen” sa Uptown Mall, BGC.

Bukod sa kanyang Vin Munchies na ang specialty ay pastries, cakes at iba pang desserts, ang ‘Secret Kitchen’ naman ay may specialty ng iba pang mga main courses, pati na ang sikat nyang cochinillo.

Mahal ang renta ng mga space sa BGC, pero kayang-kaya ito ni Marvin, lalo’t malakas ang kita ng dalawa niyang negosyo.

Hindi kailangang ikumpara sa ibang mga dati niyang kasamahan sa showbiz, dahil kahit noong pandemya hindi na naawat si Marvin na magtrabaho at ipakilala ang kanyang pastries hanggang sa cochinillo at lechon kawali.

Leave A Reply

Your email address will not be published.