Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Nakakaiyak ang lungkot’ Angelica mag-isang nag-celebrate ng monthsary

0 1,618

Bulaklak, pagkain ang sumalubong kay Angelica Panganiban sa pagbalik niya ng Pilipinas mula sa ilang linggong pagrampa sa Mexico, Amerika.

Ang bongga na ni Angelica, na pagdating sa Pilipinas, isang pumpon ng bulaklak mula sa kanyang dyowa na si Gregg Homan ang napasakamay niya.

At bongga rin na masarap na pagkain mula naman kay Maxene Magalona ang nilantakan niya.

“Nakakaiyak!” sabi ni Angelica, na kasalukuyan ngang naka-quarantine sa isang hotel.

“Medyo may lungkot factor na `yung mag-isa ka. But always thankful to thoughtful friends (Maxene). I love you sizzy!” sabi ni Angelica.

“Gregg I Wuv You,” ang mensahe ni Angelica sa boyfriend niya, na ang mensahe naman sa kanya ay, ‘Honn, Happy Monthsary’.

Oh, kabog, di ba?

Pia super rampa sa South Africa

Super rampa na si Pia Wurtzbach sa South Africa.

Ang ganda nga ng pagsalubong ng Miss South Africa Organization kay Pia, na sa airport pa lang nila, pinatugtugan na nila ito ng ‘Isn’t She Lovely’ at may linya pa na, ‘The Queen Is Here’.

“I’m so excited to meet all of you,” sabi naman ni Pia.

Makikita ang situation ni Pia na nasa isang hotel, na napakaganda ng paligid, dahil puro tubig. Sure ako na enjoy si Pia, dahil mahilig nga siya sa beach.

Pero, dahil naka-quarantine pa siya, malamang na nakakaranas din siya ng lungkot, at nami-miss niya ang dyowang si Jeremy Jauncey.

Pero, dahil malapit lang naman ang London at South Africa, hindi kataka-taka na magkita na naman ang magdyowa.

Bongga!

GiRald sa iQiyi: Gigi de Lana bagong ‘babae’ ni Gerald

Amoy na amoy ang pagsikat kay Gigi de Lana, na pinagkakaguluhan ang mga kanta sa YouTube ngayon.

Imagine, may debut single na agad si Gigi, ang “Sakalam” na ni-release ng Star Music.

“Habang kinakanta ko ‘yung ‘Sakalam,’ nasasaktan ako. Nilalagay ko ‘yung sarili ko sa song kasi gusto kong kantahin na punong-puno ng soul. Sobrang nakaka-relate kasi sa mga pinagdaanan ko rin sa buhay,” kuwento ni Gigi.

At heto pa, sasabak na rin siya sa pag-arte, dahil bida nga siya sa isang serye na ipalalabas sa iQiyi, ang ‘Hello, Heart’ na kung saan ay si Gerald Anderson ang makakapareha niya.

Oh, di ba? First acting project niya, pang-international agad-agad, ha!

Well, kabogero pa rin talaga si Gerald, na kahit ang nega-nega ng dating niya sa mga netizen, dahil sa ginawa niya kay Bea Alonzo, heto nga at siya pa rin ang pinipili bilang tagabinyag ng mga baguhang artista.

Remember, si Gerald ang unang naka-tandem ni Pia Wurtzbach sa pelikula. Nakasama rin niya si Arci Munoz noon. Isa rin siya sa mga unang naging partner ni Sarah Geronimo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.