Una sa Balita

Nakahambalang; presinto, day care center giniba

0 217

BAGAMAN malaki ang pakinabang ng publiko, giniba pa rin ang nakatayong police station at day care center sa Malabon City kahapon nang umaga.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highway (DPWH) at ng Local Government Unit (LGU) ng Malabon ang pagmaso para magiba ang Police Community Precinct (PCP) 1 at Day Care Center sa Brgy. ­Maysilo ng nasabing lungsod.

Halos walong taon na ding nakatayo ang nasabing mga imprastraktura sa lugar na pinakikinabangan ng mga residente doon.

“Wala po tayong magagawa kundi sumunod sa batas, kahit pa maraming bata ang nakikinabang sa Day Care Center at sa mga residente na may problema na luma­lapit sa PCP 1 kaugnay ng peace and ­order, dapat lang na ito ay gibain,’ sambit ni ­Mayor Len Len Oreta.

Ang paggiba sa dalawang establisi­myento ay base na rin sa direktiba ng Department of Interior and Local Government (DILG) na alisin ang mga imprastrakturang nakatayo sa bangketa para sa clearing operation. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy