Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nakagarapon na fetus, binalandra sa eskinita

0 92

Isang nakagarapon na fetus ang natagpuan sa eskinita sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Agad na nakita ng isang residente ang fetus sa loob ng sisidlan nito nang madiskubre niya ito malapit sa kanal ng Lakandula St., Brgy. 33 bandang alas-singko ng madaling-araw.

Ini-report nito agad sa kanilang barangay ang insidente na siya namang tumawag sa pulisya para sa kaukulang aksiyon.

Kumbinsido ang mga opisyal ng barangay sa lugar na sadyang itina­pon ang garapon sa eskinita para iligaw ang mga awtoridad. Nirerebyu na ng mga awtoridad ang mga kuha ng CCTV sa lugar para matukoy ang nagtapon ng garapon sa lugar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.