Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Nakabangon, tagumpay kami!’ Vice pinagdiwang 1 taon pagsara ng Dos

0 105

Sa halip na magmukmok, nagbunyi pa sina Vice Ganda, Kim Chiu, Vhong Navarro, sa anibersaryo nang pagkakamatay ng ABS-CBN, o hindi pagbibigay ng prangkisa ng kongreso.

July 10, 2020 nga tuluyang binasura ng kongreso ang prangkisa ng Dos, at doon nga nagsimulang bumagsak ang mundo ng mga Kapamilya.

Malungkot na senaryo ang nakita noon na nagi-empake na ang mga empleyado, umiiyak palabas ng istasyon ng Kapamilya channel.

Pero nitong July 10 nga, sa halip na mag-iyakan, masayang nag-celebrate ang mga host ng ‘It’s Showtime’ na para sa kanila ay isang tagumpay ang naging kaganapan.
“Dati sobra akong nalulungkot, pero ngayon sumasaya na ako. The pain that I had before, is giving me strength right now, is giving me the reason to smile right now.

“Kasi, my God, isang taon na po ang nakakalipas, pero nakatindig pa rin tayo. Inakala natin na tuluyan na tayong tutumba, durog na durog, pero nakatayo pa rin tayo at unti-unting bumabangon, umaagat. Maliliit man ang pag-angat, pero malaking bagay na ang pag-angat na `yan.

“Ang patuloy nating pagsasama-sama, nakakataba ng puso.

“Kung tutulo man lang luha ko ngayon, tutulo ito na puno ng pag-asa. Hindi na kasing-durog noong nakalipas na taon.

“Mabigat ang pinagdaanan natin last year, pero tuloy pa rin ang ating pagbangon. Maraming salamat Lord. Isang taon na tagumpay ito!” sabi ni Vice.

Nilinaw rin ni Vice na hindi siya galit sa mga artista, o dating Kapamilya na lumipat sa ibang istasyon, tulad ni Bea Alonzo, na Kapuso na ngayon.

“At hindi kami galit sa mga lumilipat, katulad noong pinapalabas na mga tsismis sa social media. Hoy, 2021, na, ang cheap niyo. Mababa pa kayo sa (ebak). Hahahaha!” sabi na lang ni Vice.

Well, ano kaya ang masasabi ng mga kongresista na nagsara ng pinturan sa Channel 2, sa mensahe ni Vice Ganda? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.