Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nakaahon sa basura: Lyca Gairanod hindi pinabayaan ni Sarah

0 356

Balik showbiz nga si Lyca Gairanod, makalipas ang halos anim na taon. Mula nga nang talunin niya sina Darren Espanto, JK Labajo sa The Voice Kids ng ABS-CBN, hindi na masyadong napagkikita si Lyca.

At heto nga siya, nagbabalik, at ang coach niya noon na si Sarah Geronimo pa rin umano ang tumulong sa kanya.

Kuwento ni Lyca sa virtual presscon para sa kanya ng Viva Artist Agency (bilang bago nilang artist), tinanong siya ni Sarah kung gusto pa rin nitong mag-showbiz, at noong nag-yes siya, agad daw siyang nirekomenda sa Viva.

At heto na nga at nakapirma na siya ng kontrata sa Viva. At plano niyang ituloy ang pagkanta, at sumabak na rin sa pag-arte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gusto ni Lyca na makasama si Sarah sa mga concert, movie project nito.

Anyway, ibang-iba na nga si Lyca ngayon. Dahil ang dating batang basurera, isang makinis, magandang dalagita na ngayon.

“Inaalagaan ko na po ang sarili ko dahil alam ko na puhunan din ito sa showbiz,” sabi ni Lyca.

Anyway, ang pag-aaral daw ang tinutukan niya noong panahong hindi siya aktibo sa showbiz. At kumikita rin naman siya ngayon sa YouTube channel niya, kaya nabibili na raw niya ang mga gusto niya, at nakakakakain ang pamilya niya ng tatlong beses sa isang araw.

Hindi na nga kailangang magbasura ni Lyca ngayon para lang kumita. At kung papalarin, plano niyang magtayo ng negosyo para sa kanyang mga mahal sa buhay. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.