Una sa Balita

Naka-strike 2! Pasig police chief sibak sa dugyot na presinto

0 313

SINIBAK sa puwesto ang station commander ng Pasig City Philippine National Police (PNP) dahil sa maduming paligid ng kanyang estasyon.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Major General Guillermo Eleazar, nauna na niyang sinita si P/Capt. Eleno Ilustrisimo, hepe ng PCP 1 ng Pasig PNP dahil sa mga upos ng sigarilyo, balat ng candy at bote ng mineral water sa paligid ng police station.

Subalit nang balikan niya ito noong Miyerkoles ay ganun pa din umano kadumi ang paligid.

“It’s already strike two for him. They should have cleaned before we returned yesterday but it is still the same when we went there,” p­ahayag ni Eleazar.

Ayon kay Elezar, ang pagkakasibak kay Ilustrisimo ay maging babala sana sa iba pang hepe ng pulisya na maglinis ng kanilang kapaligiran.

“I told them even if they have old equipment, as long as these are in order, the people will still find it presentable, especially complainants.

It is important to have a good and clean wor-king environment,” saad pa ng opis-yal. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy