Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Naka-mindset na `yon’ Loisa, Ronnie planado na kasal

0 152

How time flies talaga. Grabe, anim na taon na pala ang relasyon nina Loisa Andalio, Ronnie Alonte, ha!

Parang kailan lang noong nagkakilala sila. Pero, heto na nga, papalapit na sila sa panahon na ang pagpapakasal na ang pag-uusapan nila.

Anyway, sa preview ng teleserye nilang ‘Love In 40 Days’, inusisa ang dalawa kung nakaplano na pa ang kasal, lalo na at anim na taon na nga sila.

“Hindi pa siguro ngayon. Pero, darating tayo doon, kasi sa ngayon ang focus namin ay i-enjoy muna ang buhay namin, hanggang bata pa kami, mag-ipon, para pagdating o dumating ang panahon na kailangan na, eh di, tara na. Hahahaha!” sabi ni Ronnie.

“Darating tayo diyan. Pero siguro sa ngayon, mag-enjoy muna kami. Medyo bata pa kami para doon. ‘Wag kayong mag-alala, ‘yun naman ang mindset namin, nakaplano `yan. Pero, hindi pa talaga ngayon!” giit pa ni Ronnie.

“Tama naman ang sinabi ni Ronnie, kasi ayaw naman naming pumasok sa ganun kataas na sitwasyon. Mga bata pa kami, marami pa kaming gagawin din. Basta nandito kami to support each other.

“Pero ang sure po, hindi naman aabutin ng 40 years, bago dumating yon. Gusto naming ganito pa rin itsura naming pag dumatingyon,” sabi ni Ronnie.

Well, wala na ngang kawala si Loisa kay Ronnie, na dapat lang naman. Sabi nga ni Loisa, hindi naman siya nakipagrelasyon kay Ronnie para mag-chill-chill lang, kundi para mag-isip na rin ng magandang future.

Siyanga pala, ang cute ng teleserye nilang ‘Love In 40 Days’ na dinirek ni Manny Palo, Jojo Saguing, at prodyus ng Dreamscape, ha! Ano nga ba ang mangyayari kung ang isang buhay ay na-in love sa isang patay na?

Subaybayan ang “Love in 40 Days” simula Mayo 28 sa iWantTFC app, website, sa May 30, 10:00pm sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Gary, Chito pasok: Vice, James tsugi sa ‘Idol PH 2’

Pahinga muna (o tsugi forever) sina Vice Ganda, James Reid, bilang mga judge ng Idol Philippines Season 2 ng Kapamilya channel.

Stay naman sina Regine Velasquez, Moira dela Torre.

At pasok naman sina Gary Valenciano, Chito Miranda (Parokya ni Edgar).

Well, agree naman ang mga netizen kina Gary, Chito, na parehong may karapatan mag-judge ng mga bagong singer.

Si James ay busy sa kanyang international recording career. Na nagpapabalik-balik nga siya sa Amerika, Pilipinas.

Si Vice naman ay super busy rin sa ‘It’s Showtime’, ‘Everybody Sing’ at sa mga show niya sa Vivamax, at siyempre sa kanyang YouTube channel.

Ang Idol Philippines Season 1 grand winner na si Zephanie Dimaranan ay isa na ngang Kapuso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.