Una sa Balita

Naka-jeep na lang: John Lloyd naghihirap na?

By
0 2,277

Naghihirap na nga ba si John Lloyd Cruz kaya nagdyi-jeep na lang ito ngayon? Ito marahil ang impression ng ilang mga netizen sa isang uploaded photo na going viral ngayon kung saan isang netizen ang nag-post ng pic na nakasabay niya ang Kapamilya actor sa jeep paikot ng UP Diliman.

Halata namang ini-enjoy niya ang simpleng buhay na ito dahil nakangiti pa siya sa picture at tila wala nang hanash sa buhay.

Hindi naman ito indikasyon na naghihirap na siya matapos na mag-indefinite leave sa showbiz at asikasuhin ang family life nila ni Ellen Adarna lalo na at nabalita pa lamang ang mansiyon na ipinatayo nito sa Cebu na siyang tumatayong lovenest nila ng dating sexy actress.

Abante Hiring – IT dep

Baka nga lang talaga trip ‘yun ni Lloydie na kilala bilang simpleng tao, at ito ‘yung mga bagay na hindi niya nagagawa sa gitna ng kasikatan niya noon. Kaya, habang may pagkakataon, ini-experience niya talaga at walang masama rito.

Noon din ay nakunan siyang nasa isang fruit stand kung saan siya ay nakatayo at kumakain ng balot. Normal na normal na sa kanya ngayon ang maging normal ang routine at hindi na feeling celebrity kahit marami pa rin naman ang kinikilig sa kanya.

Kahit noon ay hindi niya itinuring ang sarili niya bilang isang heartthrob na tipong pagkakaguluhan ng mga faney kundi isang simpleng artista na napakagaling umarte.

Well, kung talagang masaya si Lloydie sa kung anuman ang takbo ng kanyang buhay ngayon, let him be.

Hindi naman nabibili ng pera ang tunay na kaligayahan. O, ‘di ba?

Digital love letter ni Heart kay Chiz nagpakilig ng mga fan

Isang digital love letter naman ang isa sa regalo ni Heart Evangelista sa ika-49th birthday ng kanyang asawang si Chiz Escudero na nag-celebrate nito noong October 10. Sa kanyang YouTube channel ipinost ng Kapuso actress ang greetings niyang ito kung saan ay ibinahagi niya ang mga travel nilang mag-asawa at kung bakit nito nahuli ang kanyang puso.

Ipinagmalaki rin ni Heart ang napaka-normal na takbo ng kanilang buhay mag-asawa kahit up to now ay hindi sila binibiyayaan ng anak matapos siyang makunan.

Napakasimpleng asawa nga raw ni Chiz at maging ang buhay mag-asawa nila ay ganun din naman kahit kilala rin si Heart bilang isang trend setter, fashionista at belong sa mayayamang pamilya.

Ang isa nga raw sa dahilan kung bakit mahal na mahal niya si Chiz ay dahil sa magaganda nitong qualities bukod pa sa lagi siya nitong pinatatawa.

Napaka-artistic nga raw ng ginawang digital love letter ni Heart para sa kanyang esposo at marami ang na-touch sa ginawa niyang ito.

Oo nga naman, noh!