Una sa Balita

Naka-gown, super rampa sa bahay: Ria Atayde naloka na – Sylvia Sanchez

0 855

Birthday kahapon ni Ria Atayde, bale 28 years na siya. Kahit nasa bahay lang sila ng kanyang pamilya sa Quezon City, lunch time pa lang ay naka-white gown na si Ria.

View this post on Instagram

My outfit for today 🙈 Thank you to everyone who sent their love and light towards me on my special day. I am truly grateful to have been blessed with another year in spite of what’s going on in this world. On that note, I acknowledge my privilege — I have a roof over my head, food on the table, and even the opportunity to find a way to celebrate today. But at the same time, I acknowledge that my privilege puts me in a position where I can help others. If you’d like to give me a gift, please swipe through this post to see the opportunities to help others — especially those displaced from work because of the lockdown and the frontliners who continue to put us first. My wish this year is for all of us to get through this virus ordeal together — mentally, physically, emotionally and spiritually. And since it’s my birthday, pls allow me to remind you… be honest about your travel history, stay at home if you are able to and stay safe and sanitized if you really have to be out. Let’s look out for others, try to be kinder to everyone, take good care of yourselves, and like John Mayer said, smile when you can, and laugh when the opportunity comes up 💛 sending you all socially distanced hugs and kisses!! 😘✨

A post shared by Ria Atayde (@ria) on

“Naloka na. Nag-gown. Panay ang lakad sa bahay dahil birthday naman daw niya!” sabi ng nanay niyang si Sylvia Sanchez nang maka-chat ko sa Facebook Messenger kahapon.

Sabi ko sa aktres, nakakatuwa na very positive pa rin sa buhay si Ria kahit nga nasa bahay lang sila dahil nga sa Luzon-wide enhanced quarantine dahil na rin sa COVID-19.

“Oo, very positive!” sabi ni Sylvia tungkol sa dalagang anak.

Mahilig magluto at mag-bake ang aktres, kaya tinanong ko kung ginawan ba niya ng birthday cake si Ria?

“Hindi, siya ang nag-bake. Sila ng mga kapatid niyang sina Gela at Xavi ang gumawa ng birthday cake niya,” sabi ni Sylvia.

Wow, mana rin pala kay Sylvia ang mga anak na bukod sa nakakapagluto ay nakakapag-bake pa ng cake.

Sa mga video nga pala na pino-post ni Sylvia sa kanyang social media accounts ay obvious na masaya sila kahit stay at home lang.

Si Arjo Atayde, may sariling condominium unit na kaya hindi na nila kasama sa family house nila. (Jun Lalin)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More