Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Naka-date ang lodi

0 7

Hello po, ano po kayang ibig sabihin ng panaginip ko? Nagpunta raw ako sa concert at nakita ko sa mismong harap ko ang paborito kong artista, hindi lang ‘yun nanalo daw ako sa raffle nila at nakasama ko pa siyang kumain pagtapos ng concert. Grabe na siguro pagka-idol ko sa kanya pati sa panaginip, pero gusto ko lang din po malaman anong gustong sabihin nito? Thanks po.

– Honey

Tinuturing na isa sa mga common dream o laging napapanaginipan ang eksena kung saan nakikita natin ang iniidolo nating celebrity o sinumang personalidad na may malaking impluwensya sa ating buhay bilang fan.

Sinisimbolo ng mga celebrity ang ating personal na pangangailangan para sa recognition o kaya’y pagkilala at pagtanggap ng marami. Maaaring sa ngayon ay gusto mo na mapansin ka at hangaan din lalo na ng mga tao na malapit sa puso mo tulad ng pamilya o mga kaibigan.

Dahil hindi mo lang basta nakita ang celebrity na idol mo, kundi nakasama mo pa siyang kumain pagtapos ng event, sinasabi nito na feeling mo ay may kulang sa iyo at inaakala mong kailangan mong maging perpekto at mahigitan ang iba. Pero tandaan na hindi mo natin kailangan na maging perpekto dahil mayroong kanya-kanyang tamang panahon ang bawat isa kung saan ikaw naman ang magniningning at bibida sa lahat.

Maaari ring sinasabi ng panaginip mo na may mga isyu o problema kang kailangan ayusin mula sa ilang mga maimpluwensyang tao sa paligid mo. Subukan mong makipag-ayos sa kanila sa pamamagitan ng diplomasya.

Kung sa panaginip mo naman ay naging close agad kayo ng sikat na personalidad na nakilala mo, sinasabi nito na may isyu ka pagdating sa personal space at walang balanse pagdating sa mga taong malapit sa iyo, feeling mo ay hindi sapat ang atensyon na binibigay nila sa iyo kumpara sa effort at pagmamahal na binibigay mo sa kanila.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.