Una sa Balita

Naka-bonnet umatake sa QC, 2 patay

By ,
0 74

Dalawa ang patay sa muling pag-atake ng mga naka-bonnet na salarin sa Quezon City, Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang mga nasawi sa pamamaril na sina

Elmer Agudera Vasquez, 41 at Jeffrey Atienza, 39.

Pinagbabaril umano ang dalawa ng mga naka-bonnet na suspek sa harap ng isang repair vulcanizing shop sa Payatas Rd., Cor. Visayaz Bicol St., Brgy Payatas, Quezon City, bandang alas-8:30 ng gabi.

Ayon sa Barangay Public Safety Officer na si Ludivico R. Diestro Jr., sakay umano ng nakaparadang motorsiklo na may side car ang biktimang si Elmer Leret nang may bumabang lalaki sakay ng single motor at nakasuot ng bonet at binaril ng malapitan ang biktima.

Sunod na pinagbabaril ang isa pang biktima na si Jeffrey Leret bago kumaripas ng takbo ang mga suspeksa direksyon ng Montalban.

Nakuha sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng kalibre .45 baril.

Inaalam pa ng QCPD ang motibo ng pamamaril at kung sino ang nasa likod ng sunod-sunod na pagpatay ng mga naka-bonnet na salarin sa Quezon City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy