Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Naka-5.5M: Gardo hari ng TikTok

0 473

Nagbunga ang mga TikTok dance posting ni Gardo Versoza dahil humakot na ng 5.5 million view sa Facebook ang isa sa mga dance routine niya.

Ito ‘yung kasama niya si Dennis Padilla at isa pang lalake. Mapapanood na nasa kalye ang tatlo at nagsasayaw.

Nakasuot ang 90’s hunk actor ng sando, pekpek short at high heels.

Ipinagmalaki ni Gardo sa Instagram ang pagpalo sa 5.5 million view ng video niya sa loob lamang ng 10 araw.

Si Gardo na yata ang TikTok king sa hanay ng mga Tito sa showbiz. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.