Una sa Balita

Naiyak sa Abantelliling: Buhay ni Boobay dinugtungan ni Marian

By
0 1,022

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyHanggang ngayon­ hindi pa rin mapigilan ng Kapuso comedian na si Boobay ang pag-agos ng kanyang luha kapag nababanggit ang pangalan ni Marian Rivera.

Sa guesting nito sa Abante News Online show namin ni Dondon Sermino, ang ‘Abantelliling’ (mapapanood sa Facebook ng Abante News Online at Abante Tonite YouTube channel, at @abante_tnt) kasama ang isa pang stand-up comedian na si Pepita Curtis, nagbalik-tanaw kami sa pinagdaanang sakit ni Boobay.

At bigla ngang pinangi­liran na ng luha ang huli nu’ng maalala ang isang taong hindi nag-atubiling­ tulungan siya.

Binanggit namin ang pangalan ni Marian at ikinuwento na ni Boobay na si Marian ang nagpilit na ilipat siya sa isang mas mahal na hospital facility dahil sa paniniwala nitong maitatawid pa ng komedyante ang kanyang buhay.

Si Marian daw ang nakipaglaban kaya siya naririto pa rin sa mundo at nakakapagtrabaho pa.

Hangga’t maaari raw ay ayaw nang pabanggit pa ni Marian ang naitulong niya kay Boobay, pero dahil tumanaw ng utang na loob ang komedyante hindi nito mapigilan ang maging emosyonal sa naalalang kabutihan nito.

Sey pa ni Boobay, sa dinami-dami ng mga artistang nakasama ni Marian sa kanilang show noon, hanggang ngayon pinagtatakhan pa rin niya kung bakit siya ang napiling maging close nito.

Para sa iba pang kuwento ng buhay ni Boobay, mapapanood pa ito sa “Abantelling” kaya go na kayo sa Abante News Online Facebook page at sa YouTube.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More