Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Naiwang pamilya tutulungan: Willie pararangalan mga pumanaw na komedyante

0 62

Ngayong Biyernes ay espesyal ang episode ng show ni Willie Revillame sa GMA 7, ang Wowowin. Ang araw na ito ay napili niyang i-dedicate sa mga pumanaw na komedyante na naging bahagi ng buhay, show ni Willie, sina Kim Idol, at Le Chazz.

Una ngang pumanaw si Kim, at nitong Linggo naman ay namaalam na rin si Le Chazz.

Sa Wowowin nitong Lunes ay malungkot ngang humarap si Willie sa mga manonood.

“Alam ko naman na napangiti at napasaya kayo ng mga taong ito. Nakakalungkot. Nami-miss ko ang mga ito.

“Naging parte ho sila ng programang ito at ng entabladong ito. Noong marami pang tao na nanonood, wala pang COVID, nandito sila.

“Kapag kumakain ako, kasama ko sila, sobrang saya, katatawanan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nalungkot ako nang malaman ko. ‘Yan po si Le Chazz, isang napakagaling na stand-up comedian. Nasa ABS-CBN pa lang ako, TV5, at hanggang dito (GMA), nakasama ko ‘yan, on and off the camera.

“Iniimbita ko siya, gusto ko magpasaya, kasi magaling itong batang ito, mabait, walang negative.

“Si Kim Idol, nakasama din namin. Pero during the time na siya ay namaalam, ang ganda ng ginagawa niya, isa siyang frontliner. Tumutulong siya sa mga maysakit.

“Sa Friday, I’ll give tribute sa kanilang dalawa dahil nakapagpasaya sila sa atin. At tutulungan natin ‘yung mga pamilyang naiwan nila dahil naging parte sila ng Wowowin at, hanggang ngayon, maaaring wala na kayo, pero nandito pa rin ang espiritu ninyo.

“Kim, Le Chazz, mahal namin kayo. We will miss you and maraming salamat,” madamdaming pahayag ni Willie. 

(Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.