Una sa Balita

Naipit sa giyera sa Libya; 4 OFW balik ‘Pinas

0 275

APAT na overseas Filipino worker (OFW) na naipit sa kaguluhan sa Libya ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kahapon.

Makikita pa sa mga mukha ang lungkot noong bumaba ang apat na OFW mula sa sinasakyan nilang eroplano ng Qatar Airways kahapon ng alas-singko nang mada­ling-araw.

Mismong mga opis­yal at kawani ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang sumalubong sa apat na OFW upang alalayan sa kanilang mga dokumento palabas sa immigration counter.

Ayon kay Roberto Anoc 61, isa sa apat na OFW na dumating, maraming mga Pinoy sa Libya ang ayaw pang umuwi sa kabila ng naganap na kaguluhan doon dahil wala silang mapapasukang trabaho sa Pilipinas.

Aniya, karamihan sa mga boluntaryong umuwi ay may mga edad at pinili nilang umuwi sa bansa para makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon pa kay Anoc, inaasikaso naman sila ng pamahalaan ma­ging ang iba pang mga Pinoy sa Libya na nai­pit sa kaguluhan doon. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy