Una sa Balita

Naipit na mga biyahero, kulong muna sa drug rehab

0 281

Isasalang muna sa quarantine ang mga na-stranded sa Albay bago makauwi sa kanilang bahay.

Ang nasabing holding area ay matatagpuan sa Ligao City sa Albay Rehabilitation Center, isang drug rehab center na nasa Tula-Tula Grande kung saan kayang mag-accommodate ng 45 lalaki at 10 babae kada building.

Nagtalaga ng dalawang hiwalay na holding area ang Albay province upang ma-monitor ang mga byaherong posibleng magpositibo sa novel coronavirus.

Umaabot na ngayon sa kabuuang 22 PUM na o Person Under Monitoring ang sa loob ng nasabing building.

“We used it as holding area for stranded persons,” saad ni provincial health officer Antonio Ludovice. (AE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More