Una sa Balita

‘Naibigay ko na ang puso ko kay Jolo’ – Jodi

By
0 3,059

May naganap na pag-amin nga mula kay Jodi Sta. Maria sa relasyon nila ni Vice Governor Jolo Revilla, sa show ni Kuya Boy Abunda sa ABS-CBN 2, ang Tonight With Boy Abunda.

Promo ‘yon ng Sana Dalawa ang Puso, ang bagong morning teleserye nina Jodi, Richard Yap at Robin Padilla. Sina Jodi at Ri­chard ang sumalang sa talk show ni Kuya Boy.

At sa isang portion na nagbunutan ng tanong, ang question nga na, ‘Kung dalawa ang puso mo, sinong dalawang lalake ang bibigyan mo nito at bakit? Sa simula, medyo aandap-andap si Jodi na sagutin ang tanong.

“Kakaunti lang naman ang lalake sa buhay ko, si Thirdy (anak ni Jodi kay Pampi Lacson) exempted ‘yon.
“Ang Kuya ko. Siyempre si God walang kapantay ‘yon.

“Okey, heto na, Kuya ko ‘yung isa, and first time na sasabihn ko, naibigay ko na sa kanya ang puso ko, si Jolo,” sabi ni Jodi, na dahilan para magtilian ang lahat ng nanonood sa loob ng studio.

“Wala talaga akong maisip, and I have to say this,” say pa niya na ikinatuwa ni Kuya Boy, dahil naging sobrang honest nga naman daw si Jodi.

Mababasa nga sa Instagram post na ‘yon ng Tonight With Boy Abunda account ang mga positibong reaksiyon ng fans, netizens. Sabi nga nila, sana ay tularan ng iba pang artista si Jodi, na naging honest sa isang interview.