Una sa Balita

NAIA X-ray machines, body scanner binawi sa OTS

By
0 8

Planong hawakan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pag-deploy ng mga miyembro na Airport Police Department (APD) para hawakan ang mga X-ray machine at body scanners sa apat terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang mga miyembro ng Office for Transportation (OTS) personnel ay ita­talaga o bibigyan ng supervisory function na lamang sa (NAIA) terminals.

Ayon kay bagong MIAA General Manager Ed Monreal, ang lahat na screeners ay pangangasiwaan ng MIAA at ide-deploy ang mga sinanay na APD personnel para hawakan ang ‘high tech machines’ sa apat na terminal ng NAIA.

Idinagdag pa ni Monreal na ang 14-units na karagdagang body machine scanners at personnel ay maiiwasan ang mahabang pila ng mga pasahero na papasok sa mga NAIA terminals.

Matatandaan na sumentro sa kritisismo ang OTS dahil sa laglag bala, kaya ginawaan ng solusyon ng bagong pamunuan ng MIAA para manumbalik ang tiwala ng publiko partikular na ang mga OFW na na-trauma sa naganap sa paliparan.

Kaugnay nito, pinayagan na ni Monreal na makapag-pick-up ng mga pasa­hero ang mga regular na taxi (puti) sa apat­ na terminal ng NAIA arrival area para makapagpili ang mga pasahero sa kumbinyenteng sasakyan.