Una sa Balita

NAIA tanim-bala fake news – DOTr

By
0 1,378

Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) na walang iregularidad na ginawa ang mga tauhan nito sa binibintang na tanim-bala ng pasaherong si Kristine Bumanglag Moran noong June 15 sa NAIA Terminal 3.

“There was no irre­gularity on the actions of screening personnel, who simply strictly followed standard opera­ting procedures,” ayon sa statement ng DOTr.

Sabi ng DOTr-MIAA, nakita ng X-ray operator ang bala sa bag ni Moran na nakabalot sa clear plastic wrap. Kinuhanan ng MIAA ang paghahanap ng bala sa bag ni Moran na ginawa sa harap niya mismo para hindi maibintang sa kanila ang tanim bala. Nakuha ng MIAA ang isang bala ng caliber 9mm at pinaalam kay Moran na kukumpiskahin ito.

Abante Hiring – IT dep

Sinabihan naman siya na pagkatapos ng paper work, makakasakay siya at ang mga kasamahan niya sa flight nila papuntang Zamboanga subalit nagwala na lang bigla at gumawa ng eksena si Moran at nagpakawala ng masasakit na salita sa airport personnel.

Ayon sa FB post ni Moran, una niyang inakala na ang black box na ginagamit niya sa trabaho bilang physical therapist ang problema. Nang nakita niya ang bala, nagalit siya dahil kasama niya ang anak niya na kaka-discharge lang sa ospital at ang nanay niyang senior citizen. Ayon sa post na iyon, sinabihan din sila ng pulis na isusulat sa logbook ang insidente at wala namang mangyayari sa kanila. Nang hiningan si Moran ng ID, hindi pumayag ang kanyang nanay kaya senior citizen ID ng nanay niya ang pinakita nila.