Una sa Balita

NAIA quarantine personnel winalis

By
0 526

SINIBAK kahapon ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang lahat ng Qua­rantine Personnel ng Department of Agriculture sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos makarating sa kanyang kaala­man na hindi sinusunod ang kanyang direktiba sa tamang pagpapatupad ng quarantine procedures laban sa African Swine Fever (ASF).

Kasabay ng pagsibak sa buong Quarantine Group Personnel ay magsasagawa ang DA ng imbestigasyon upang matukoy kung may batayan para kasuhan ang mga ito ng Dereliction of Duty.

Una nang ipinagbawal ng DA ang pagpasok ng pork based products mula sa Belgium, China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine kasunod ng insidente ng ASF sa nasabing bansa, bagama’t ang ASF ay hindi mapanganib sa tao ay nagdudulot naman ito ng hemorrhagic fever na madaling kumakalat sa alagang mga baboy.

Nitong Disyembre 31 ay iniutos ni Piñol na maglagay ng foot baths sa bawat entry points kabilang ang mga port. Ang foot baths ay makakatulong para magkaroon ng disinfectants at masiguro na walang kontaminadong materyal na maiiwan sa mga sapatos na maaaring magdala ng virus pero wala pa ring footbaths sa NAIA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy