Una sa Balita

NAIA ground handler tinamaan ng kidlat

0 299

NAHULOG sa hagdan ang isang ground crew sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang tamaan ng kidlat kamakalawa nang gabi.

Kinilala ang biktima na si Joel Arejola, ground handler ng Macroasia, na nagtamo umano ng galos sa kaliwang binti makaraang maganap ang insidente habang nasa Bay 12 ito dakong alas-6:58 nang gabi.

Abala umano si Arejola sa pagtanggal ng ground power unit ng Philippine Airline (PAL) flight PR 116 nang magkaroon ng malakas na kidlat sa rampa ng terminal 1.

Agad nalapatan ng paunang lunas si Arejola at matapos ang medical check up nito ay wala namang nakitang sunog na bahagi ng kanyang katawan.

Nabatid na nagpapalabas ng Red alert Lightning advisory ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration sa mga paliparan para bigyang babala ang mga trabahador sa paliparan upang makaiwas sa anumang sakuna tuwing may malakas na kidlat. (Otto Osorio)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy