Una sa Balita

NAIA employee nagbalik ng napulot na 239K

0 390

SA kabila na hindi kalakihang sahod, hindi pinag-interesan ng isang empleyado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ibulsa ang napulot niyang sobre na may lamang $4,700 o katumbas ng P239,079 nitong Huwebes (Nobyembre 21, 2019) ng hapon.

Ibinahagi ni Emiline Herrera, food server sa Terminal 1 sa ilang panayam sa telebisyon na inakala niyang kalat lang ang sobre pero nang kanyang pulutin ay nakita niyang maraming laman na dolyar sa loob nito kaya ibinigay niya ang sobre sa kahera.

Kalaunan ay napag-alamang isang babaeng pasahero raw ang may-ari nito, ayon sa lost and found section ng paliparan.

Ikinatuwa naman ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ang katapatan ni Herrera kung saan bibigyang pagkilala ito sa flag raising sa Lunes ng Manila International Airport Authority (MIAA). (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy