Una sa Balita

NAIA bukas na para sa partial operation

By
0 295

Bahagyang binuksan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang ginawang paglilinis sa ashfall mula sa pagsabog ng bulkang Taal at unti-unti nang napapaalis ang ilang flight na naantala.

Naipon ang mga eroplanong paalis ng NAIA at lalapag sa naturang paliparan, marami pa ring biyahe ng eroplano ang nananatiling kanselado habang ang ibang flights ay binago ang oras ng alis.

Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, puno ng eroplano ang lahat ng terminal ng NAIA dahil walang nakaaalis na biyahe simula kagabi.

Ayon sa MIAA at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) simula alas 10:00 ng umaga, unti-unti nang nakapagbiyahe ang mga eroplano sa NAIA. Ang mga paparating na eroplano naman ay nagsimulang lumapag alas 12:00 ng tanghali.

Kasabay nito, umapela at humingi ng pang-unawa ang pamunuan ng MIAA at NAIA sa mga pasahero dahil hahaba ang separation time sa bawat aalis at lalapag na flights dahil maraming eroplano ang nabinbin sa mga terminal ng NAIA.

Maunang paalisin ay ang mga biyaheng naantala simula kamakalawa ng gabi, sunod ang mga eroplanong naantala ang biyahe simula kahapon ng umaga.

Alas 4:00 ng madaling araw nang simulan ang paglilinis sa mga runway sa NAIA dahil sa ashfall.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paglilinis sa mga runway, taxiways at ramps ng NAIA, ayon kay CAAP Director General Jim Sydiongco.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More