Una sa Balita

NAIA balik operasyon na

0 274

HIGIT 500 domestic at international flight sa Ninoy Aquino International airport (NAIA) ang apektado dahil sa ashfall na ibinuga ng Taal Volcano simula nang isara ang flight ope­rations noong alas-6:00 kamakalawa nang gabi.

Sa isinagawang joint inspection ng NAIA runway ng MIAA at CAAP officials, inanunsiyo nito ang ‘partial resumption of operations’ ng paliparan simula alas-10:00 nang umaga kahapon.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) gene­ral manager Ed Monreal, hindi pa handang tumanggap ng eroplano ang paliparan dahil puno ang mga parking slot nito.

“Priorty ng MIAA ang mga eroplanong nakahimpil sa parking slot na naipit sa airport closure na makaalis saka tatanggap ito ng arrivals ng eroplano, depende sa kapasidad ng apat passenger terminal ng NAIA.” ani ni Monreal.

Ang pangalawang prayoridad ay ang pagbigay sa mga regular sche­duled flight nga­yong araw.

Sinabi naman ni Capt. Jim Sydiongco, director general ng Civil Aviation Authority of the Philippines, na bago payagang paliparin ang mga eroplanong na nasa parking slot sa NAIA ay dapat munang linisin ang makina nito para sa safety ng eroplano. (Otto Osorio)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More