Una sa Balita

NAIA 12 oras sinara sa bagyo

0 301

ISINARA ng 12 oras sa flight operations ang apat ng passenger terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa bagyong ‘Tisoy’ kung saan 508 domestic at international flight ang kinansela at aabot 10,000 mga pasahero ang apektado.

Ang flight suspension ay naayon sa existin­g regulation na kapag ang lakas ng hangin ay lagpas na ng 65 knots na nakikita sa anemometer, ang airport operations ay awtomatikong sinususpende para sa kaligtasan ng mga mananakay.

Ang 12 oras na tigil operasyon ay inum­pisahan ng alas-11:00 nang umaga hanggang alas-11:00 nang gabi kahapon.

Sa kabila ng apela ni Manila Internationa­l Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal sa mga pasahero na huwag nang tumungo ng paliparan ngunit dumagsa pa rin ang mga tao.

Nabatid naman kay PAL spokesperson Cielo Villaluna na alas-9:30 nang umaga ang huling eroplanong nag-take off sa NAIA. Lahat ng mga eroplano ay pinatambay muna sa mga probinsiya at babalik sa Maynila sa muling pagbubukas ng paliparan.

Ang mga apektadong pasahero ay maaaring mag-rebook na walang rebooking fees, ayon kay Villaluna. (Otto Osorio)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More