Una sa Balita

Nahuling magkayakap Alden ‘ginagamit’ ng sexy star

0 670

Pinagpipiyestahan ngayon ang picture na lumabas na magka­yakap sina Alden ­Richards at Sanya Lopez. Iba-iba ang reaksyon na nababasa ­na­min tungkol doon, ha!

Merong nagsasabi na kesyo “fake.” May nagsasabi rin na si Sanya raw ang dumidikit kay Alden para mapag-usapan.

Sabi naman ng ibang comment, “bagay sila.” May keber naman na ganyan naman talaga ang type ni ­Alden, sexy.

At siyempre, may nagdidikit na naman ng pangalan ni Maine Mendoza. Na kesyo pinagseselos lang daw ni Alden si Maine! Pero may sumagot ditong netizen na, “hayan na naman ang delulu!” Ibig sabihin, delusional na fan.

Hindi kami sure kung saan kuha ang picture na magkayakap sina Alden at Sanya, pero posibleng sa Sunday show nila ‘yon, kung saan host si Alden at nag-guest si Sanya.

Puwedeng wala lang ‘yung picture na ‘yun na kuha raw ng fan dahil si Alden naman, sweet ­naman sa karamihan. Pero puwede rin naman nga kung nilalagyan ng malisya ng iba. Wala namang problema bilang pareho silang single.

At baka naman nga si Alden, seryoso na talaga sa sinabi niyang this year, haharapin na niyang talaga ang love life.

Nadine tinalakan ng mga
fan sa bonding kay Myrtle

Nag-post lang si Myrtle Sarrosa na magkasama sila ni Nadine Lustre. Mukhang nag-catch up lang ang mga ito over lunch or dinner pero, may pamba-bash na agad ang ilang netizens or trolls.

Nandiyang bigla raw naalala ni Nadine nga­yon ang mga kaibigan dahil break na sila ni James Reid. May time na raw ito na makipag-bonding sa mga old friends niya.

Hindi siguro alam ng karamihan na sina Myrtle at Nadine ay magkaibigan way back cosplay pa nila. Pareho ng interes ang dalawa sa cosplay and since then naman, kahit na hindi sila palaging nakikitang magkasama, alam namin na from time to time ay may communication ang mga ito.

Bonding kaya sila dahil parang pareho silang may ginawang big decision sa career nila? As we all know, si Nadine ay ang pagkalas sa VIVA at si Myrtle naman, ang kumpirmado na raw na pag-alis nito sa ABS-CBN at paglipat sa GMA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More