Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nahirapan huminga, todo ubo: Gelli, Ariel sabay tinamaan ng COVID-19

0 365

Kung titingnan napaka-healthy ng mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera, pero sa recent YouTube vlog ni Gelli kung saan ay kasama niya ang kapatid na si Janice de Belen at mga bff na sina Candy Pangilinan at Carmina Villarroel, inamin nito na pareho silang tinamaan ng COVID-19 ni Ariel.

Nauna lang daw si Ariel ng isa o dalawang araw siguro na magkasipon, pero sumunod na rin siya agad. Si Ariel daw ang nagkaroon ng contact sa nag-positive at dapat ay may taping ito, pero nang mag-swab, lumabas nga na positive.

Kuwento ni Gelli, na-experience raw nila ang lahat ng symptoms at medyo mas matagal ang naging recovery ni Ariel dahil sa ubo nito. Pero dalawang linggo raw siyang nasa peak ng COVID-19 at konting pagtayo lang niya, nakakaramdam na siya ng hingal.

Sa bahay lang sila nag-quarantine at inobserbahan ang mga nararamdaman, pero kung nag-below 94 raw ang oxygen level nila, that was the time na kailangan na nilang ma-hospitalized.

Sabi ni Gelli, “Ang maganda lang sa akin, sabay kami ni Ariel. For other people, mag-isa lang. Yun nga lang, there was a time si Ariel, nagsa-shower siya, he had to sit in the floor kasi, nahihirapan siyang huminga, may gano’n.

“So kung kami okay na gano’n, what more yung mga nasa-hospital? So guys please, totoo ‘to, totoo ‘tong pinagdadaanan ng lahat.”

Sa totoo lang, hindi lang sina Gelli at Ariel, kung talagang magka-come-out sa mga artista pa lang na nag-positibo ng COVID-19, malamang na marami ang magugulat na marami-rami nga pala.

Nawala sa serye: Aktres ayaw sumunod sa safety protocol 

Ang pagpapatuloy ng mga taping at shooting sa ilalim ng mga protocols gaya ng lock-in ay hindi naman din talaga madaling itawid.

Kahit na may naka-schedule na halimbawang shooting or taping days, pwede itong ma-move o mabago. Una, kapag may nag-positive  lalo na sa mga lead stars, tiyak na maaantala o made-delay sa schedule taping or shooting. Eh, gaano ba katagal bago masabing COVID-free na, usually, two weeks to one month.

Sa ganitong pangyayari kaya ‘yung schedule taping daw sana ng isang drama ay na-delay ng isang buwan. Hindi raw ito ma-take ng isang aktres na kasama sa cast. Nasira raw ang mga plano sana dahil nga sa one month na pagkaka-delay ng taping.

Bukod pa rito, parang hirap daw o hindi trip ng actress ang mga bagong safety protocols ng network. Ending, hindi na natuloy si actress sa serye.

Leave A Reply

Your email address will not be published.