Una sa Balita

Nahawaan ng COVID lumobo sa 707 – DOH

0 587

Umabot na sa 707 ang bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitala ng Department of Health (DOH) matapos madagdagan ng 71 kaso sa pinakahuling bilang nitong Huwebes ng alas-4 ng hapon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nadagdagan din ang bilang ng mga pumanaw sa sakit ng pito, mula sa dating 38, kaya’t umabot na sa 45 ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19

Habang nasa 28 naman ang nakarekober na sa sakit matapos na madagdagan ng dalawa.

Sinabi ni Duque, mahalaga ang naturang magandang balita dahil ito’y palatandaan na di dapat haluan ng stigma ang mga COVID patients, gayundin ang mga patients under investigation at maging ang mga health workers.

Kasabay nito, nanawagan din si Duque na bigyan ng respeto ang mga health workers at magmalasakit sa bawat isa ngayong panahon ng krisis.

Pinawi naman ni Duque ang pangamba ng publiko sa paglobo ng tinatamaan ng coronavirus dahil inaasahan na nila ito bunsod ng pagdami ng taong nasusuri sa virus. (Juliet de Loza-Cudia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More