Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nahawa ng virus sumirit! France nag-2nd lockdown

0 96

Muling sinailalim sa coronavirus lockdown ang France, ayon sa anunsyo ni President Emmanuel Macron.

Aniya, magsisimula ang lockdown sa sa Biyernes ng hatinggabi at magtataggal ang Disyembre 1. Inanunsyo ito ng pamahalaan ng France makaraang maiulat ang higit 30,000 kaso ng COVID-19 nitong Miyerkoles kaya umabot na sa higit 1 milyon ang buong kaso sa nasabing bansa, habang umakyat din sa higit 35,000 ang bilang ng nasawi.

Sa kanyang talumpati, pinaliwanag ni Macron ang mga restriksyong gagawin sa iba’t ibang sektor. Mananatili naman umanong bukas ang mga paaralan pero ipatutupad ang istriktor health protocol, habang ang mga bar at restaurant ay isasara sa buong bansa.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.