Una sa Balita

Nagyabang sa armas, hinuli

By
0 1,764

Nawala ang kayaba­ngan ng isang 26-anyos na lalaki na miyembro ng Sputnik gang matapos na arestuhin ng nagpapatrolyang tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa pagdi-display ng sum­pak na baril kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nakatakdang ­sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal ­Possession of Improvised Shotgun & ­Ammunition ang suspek na si Aries Raymundo, residente ng 1090 Arellano Street, Tondo.

Ayon kay P/Supt. Jay Dimaandal, hepe ng Manila Police District-Police Station 1 (MPD-PS1), dakong 11:45 ng gabi nang madakip ang suspek sa harapan ng Building 2, Temporary Housing,­ Happy Land Compound,­ sa Tondo.

Nagpapatrolya umano ang grupo nina PO2 Rodrigo Araño, at PO1s Angelito Leuterio at Mike Barongan, ng MPD-PS1, sa Radial Road 10, nang makatanggap ng sumbong na isang lalaki ang nakita nilang may dala-dalang sumpak sa lugar.

Mabilis naman rumesponde ang mga pulis at kaagad na ina­resto ang suspek.