Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nagwala sa show: Aktor ‘di tanggap pampabasted ng aktres

0 137

Pikon at hindi pa rin maka-move on ang aktor na ito sa pag-friendzone sa kanya ng matagal niyang niligawan na aktres.

Sa pag-guest ni aktor sa isang online show, bago siya sinalang ay bini-brief muna siya tungkol sa mga question na ibabato sa kanya ng mga viewer online. Ginagawa nila ito para walang gulatan at puwede i-omit ni aktor ang question na ayaw niyang sagutin.

Kuwento ng aming source: “Hindi naman nagkulang ang show sa pag-brief kay aktor. Binigay sa kanya ang mga question mula sa netizen at puwede siyang magtanggal ng ayaw niyang sagutin. Sabi niya okay raw lahat at kaya niyang sagutin. Kasama nga ang question tungkol sa aktres na kinabaliwan at ginastusan niya pero ang ending, friendzoned siya.”

During the show, wala naman daw naging problema kay aktor pagdating na sa Q&A. Siya pa raw ang nagbasa ng questions at sinasagot niya agad. Pero pagkatapos daw ng show ay mabilis na umalis ang aktor sa studio at may tinawagan siya at galit na galit.

Ilang minuto after na nakaalis ang aktor, biglang tumawag ang road manager ni aktor sa executive producer ng online show. Sinabi ng road manager na galit na galit ang aktor dahil nilagay raw siya sa hot seat tungkol sa mga question sa aktres na na-link sa kanya noon. Ginulat daw siya sa mga question kaya umalis ito agad.

Sabi ng EP ng show na wala silang ginawang dapat na ikagulat ng aktor dahil binigay sa kanya ang mga question at wala siyang tinanggal tungkol sa aktres. Bakit bigla siyang nag-inarte at nag-imbento pa ng kuwento?

“So, ano ang drama niya? Di siya maka-move on? Kung bigo siya sa aktres, huwag niyang ibaling ang pagkasawi niya sa mga taong nananahimik na nagtatrabaho!” sabi pa ng source.

Well, hindi nga maka-move ang actor sa pagbasted sa kanya ng aktres. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.