Una sa Balita

Nagtsongke sa mall arestado

0 243

HULI ang isang 25-anyos na lalaki matapos itong maaktuhang nagmamarijuana sa loob ng banyo ng isang mall sa Iligan City, Lanao del Norte Martes nang hapon.

Hindi na nakapalag nang arestuhin ng pulisya ang suspek na nakilalang si Mohammad Sannie Jamel, residente ng Pamping St., Marawi City.

Sa ulat ng pulisya, isang tawag ang natanggap ng mga tauhan ng Iligan City Police Station 4 dakong ala-1:00 nang hapon hinggil sa isang lalaki na gumagamit ng ma­rijuana sa ikatlong palapag ng banyo ng isang mall na matatagpuan sa kahabaan ng Macapagal Ave., Barangay Tubod ng nasabing lungsod.

Agad namang rumesponde ang pulisya sa sinasabing mall at doon ay naaktuhan nila ang suspek na gumagamit ng marijuana.

Sa ginawang pagkapkap ng pulisya, nakuhanan pa ang suspek ng limang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang aabot sa halagang P600. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More