Una sa Balita

Nagtapos na kadete pinatututok sa droga, terorismo, korapsyon

By
0 372

HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suporta ng mga bagong nagtapos na kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) para palakasin ang kampanya kontra iligal na droga, terorismo at korapsiyon.

Ginawa ito ng Pangulo matapos pangunahan ang seremonya ng pagtatapos ng Sansiklab Class of 2019 sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite kahapon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na kailangan ng bansa ang mga bagong henerasyon ng mga epektibo at episyenteng mga lingkod bayan.

“I enjoin our fresh graduates to support and contribute to the administration’s fight against illegal drugs, terrorism and corruption. Now, more than ever,the Philippines need s optomistic and brave men and women like you who have the qualities to be effective and efficient public servant,” anang Pangulo.

Binilinan din ni Pangulong Duterte ang mga bagong nagtapos na opisyal na bitbitin sa kanilang pag-alis sa akademya ang itinuro sa kanila partikular ang prinsipyo ng integridad at katapatan, gayundin ang pagmamahal sa bayan at patrio­tismo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy