Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nagtampo sa anak: Pulis nagbarili sa sarili

0 200

Kritikal ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Bacoor City, Cavite nang barilin ang sarili matapos diumanong magdamdam sa 4-anyos na anak na hindi sumunod sa kanyang utos.

Inoobserbahan sa ospital ang 43-anyos na pulis na naka-assigned umano sa Police Security and Protection Group Camp Crame, dahil sa tama ng baril sa baba na tumagos sa bunganga.

Sa salaysay ng 33-anyos na live-in partner ng pulis kay Pat. Jerome Asid ng Bacoor City Police Statio, naganap umano ang insidente dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon. Nauna dito, inutusan umano ng biktima ang kanyang anak na babae pero hindi siya sinunod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito, sumama umano ang loob ng biktima sa anak kaya pumasok sa kanilang kuwarto, nagkulong at uminom ng alak. Ilang sandali pa nang narinig sila ng putok ng baril kaya pinuntuhan ng kanyang live-in partner subalit naka-lock ang pintuan at sa tulong ng kapatid ng huli ay sinira ang pinto.

Dito na nakitang duguan ang biktima at nasa tabi nito ang isang Glock 17 pistol na hinihinalang ginamit sa pagbaril sa sarili.

Ayon kay Asid, bukod sa pagdaramdam sa anak, may iba pang problema ang biktima, “Feeling kasi ng biktima na napag-iiwanan na siya dahil hindi siya napapasama sa promosyon at naliliitan na siya sa kanyang suweldo at kulang ang sustento sa pamliya nito.” (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.