Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nagtago ng walong taon, sa haybol natunton

0 156

Matapos ang halos walong taon na pagtatago, nadakip na ng pulisya ang No. 1 most wanted person sa bayan ng Carcar City, Cebu matapos itong bumalik sa kanilang bahay sa nasabing lugar noong Sabado.

Ayon kay Carcar City chief of police Lt. Col. Ardioleto Cabagnot, ina­resto ng mga awtoridad ang suspek na si Noel Lapasaran, 43-anyos, sa kanilang bahay sa Purok Bayabas, Brgy. Tuyom, Carcar sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Regional Trial Court (RTC) Branch 19 Judge Wilfredo Navarro.

Kumpiyansa umano ang suspek na matagal na ang kaso kaya bumalik ito sa bahay nila.

Naitala bilang No. 1 most wanted person sa Carcar ang suspek dahil sa pagbaril at pagpatay sa isang dispatcher ng bus noong 2014.

Paghihiganti umano ang motibo ng suspek dahil pinatay ng huli ang kanyang kaanak. Nakakulong ang suspek sa Carcar City PNP detention cell at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.