Una sa Balita

Nagsimula sa aberya,natapos ng maganda

0 463

Magandang karanasan ang pagtatapos ng 30th SEA Games sa Pilipinas.

Maraming naging problema bago magsimula pero ang nakita ko ay pagkakaisa at suporta ng bawat Pilipino.

Naging maganda ang resulta ng torneo kasi tayo ang naging overall champion.
Bilang Pinoy, isa ako sa naging saksi sa mga laro na nakakatindig balahibo sa bawat laban.

Nandun ako mismo nang nakamit ng Gilas ang ginto kahit alam na natin na superstar sila sa bawat sa koponan nila sa PBA.

Ganun din ang wo­men’s basketball na halos magpakamatay sa loob ng court para sa bayan.

Kaya binabati ko ang mahuhusay na mga coach na sina Tim Cone at Patrick Aquino sa paghubog sa team.

Nakita ko din ang aking mga dating boss sa Samahang Basketbol ng Pilipinas na sina Boss Ricky Vargas na ngayon ay presidente ng Philippine Olympic Committee (POC) at Best Center Founder Nic Jorge na parehong malaki ang naitulong sa aking coaching career.

Lalo na si Boss Ricky na hindi lang sa career pati sa aking pamilya kaya saludo ako sa inyo.

Habang buhay kong tatanawin na utang na loob sa inyo.

Binabati ko rin si JC ng maligayang kaara­wan at nawa’y humaba ang iyong buhay at marami ka pang matulungan.

Isa rin ang men’s handball na pinamumunuan ni Philippine Handball Vice President Dr. Ernesto Jay G. Adalem na nakakuha rin ng ginto.

Binabati ko rin po ang aking AMA University Men’s 25-Under and Juniors 18-Under basketball team na parehas nanalo sa panimula ng SULIT Breakdown Basketball League na ginaganap sa Moro Lorenzo Gym sa loob ng bakuran ng Ateneo De Manila University.

Pinataob ng aking Senior’s ang World Citi Colleges, samantala winasak ng AMA U-18Under ang ECA.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More