Una sa Balita

Nagselos sa ‘text’ nagbigti

By
0 108

Wala nang buhay nang madiskubre ang isang 19-anyos binata matapos na magbigti dahil sa ma­tinding selos sa nabasang text messages sa cellphone ng kasintahan kahapon ng umaga sa tinutuluyan nitong kuwarto sa Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Donald Panaligan, ng Manila Police District-Homicide Section, huling nakitang buhay dakong alas-siyete ng gabi ng may-ari ng inuupahang kuwarto ang biktimang si Jessie Campo, egg vendor, at taga-574 Hermosa Ext., Tondo, Maynila.

Sa salaysay ng nobya ng biktima na nagpatawag na lamang sa pangalang ‘Jen’, kamakalawa ay naka-charge umano ang kanyang cellphone sa pinagtatrabahuhang tindahan nang damputin ito ng biktima at tiningnan.

“May nabasa siya na text ng ex-boyfriend ko na ‘Kumusta ka na, Ingat ka palagi diyan, love you’ at pagbalik ko hindi na siya umiimik,” ayon kay ‘Jen’.

Makalipas ang ilang oras pinalapit umano siya ng biktima at sinabihan siyang tinatapos na nito ang kanilang relasyon sa hinalang niloloko lamang siya ng kasintahan.

Nagpaliwanag umano sa biktima si ‘Jen’ pero hindi ito umiimik hanggang sa matagpuan na lamang itong nakabigti.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy