Una sa Balita

Nagselos sa ka-live in nagpakamatay

0 287

NAGBIGTI ang isang mister dahil umano sa sobrang selos nito sa kanyang kinakasama sa Valenzuela City.

Bandang alas-10:00 Sabado nang gabi nang makita ni Maria Luzviminda, 26, ang labi ng 41-anyos na kinakasama.

Nakabitin ito sa kisame ng kanilang kuwarto sa Phase 9, Package 6, Block 12, Lot 21, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), tali sa aso ang ginamit ng biktima na ipinalupot sa leeg saka itinali sa kahoy na kisame.

Kuwento ni Maria Luzviminda, hinanap niya ang live-in partner dahil ilang oras na din niya itong hindi nakikita.

“Naka-lock ‘yung pinto sa kuwarto namin at katok ako nang katok, pero walang sumasagot” sabi ng ginang.

Dahil doon, pinilit nitong buksan ang pinto, pero laking gulat nang makitang nakabigti na ang kinakasama.

Pahayag ni Maria Luzviminda, panay raw ang se­los ng biktima at naghihinala ang huli na mayroon itong manliligaw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy