Una sa Balita

Nagsalpukang dump truck, van nahulog sa SLEX

By
0 310

NASAWI ang isang pahinante habang lima ang sugatan nang mahulog ang isang dump truck at van sa South Luzon Expressway (SLEX), Muntinlupa City kahapon.

Namatay noon din si Esmar Tolentino, 22, pahinante ng dump truck sanhi ng tinamong grabeng pinsala sa katawan.
Patuloy namang ginagamot sa Ospital ng Muntinlupa ang nasugatang dri­ver ng dump truck na si Edsel Ardona at apat na sakay ng closed van na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Sa report na natanggap ng Southern Police District, alas-6:35 nang umaga nang maganap ang insidente sa tulay ng Southbound lane, Soldiers Hills, SLEX, Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Alas-10:00 na nang umaga nang maiahon si Tolentino na kinaila­ngan pang ga­mitan ng cutter ang truck para maputol at makuha ang biktima.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa insidente.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy