Una sa Balita

Nagrekomenda sa paglaya ni Napoles sisibakin

0 427

TINIYAK ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na masisibak kung sino man ang nagsama sa pangalan ni pork barrel scam mastermind Janet Lim Napoles sa listahan ng maagang mapapalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

“As we have said, let the investigation proceed and let the truth come out and thereafter, heads will roll,” diin ni Panelo.

Ito’y matapos mapasakamay ng Senado ang listahan ng napalaya o mapapalaya at kasama rito ang pangalan ni Napoles sa kasong rape, ga­yong kaya ito nakulong sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong ay dahil sa kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.

Hindi rin mawari si Justice Undersecretary for Correctional System Deo Marco kung bakit napasama sa listahan si Napoles at kung bakit rape ang nakalagay nitong kaso.

Ani Marco, nagsasagawa na ng internal investigation ang BuCor tungkol dito at nakatakda rin na isama ito sa report sa oversight committee ng DOJ.
Inamin naman ni BuCor document chief Ramoncito Roque ang pagkakamali sa pagkakasama ng pangalan ni Napoles sa listahan.

Sinabi naman ni ACT Party-list Rep. Eric Go Yap na ang pagkakasama ng pangalan ni Napoles sa GCTA list ay patunay na talamak talaga ang korapsyon sa BuCor.

“Noong una kong nabasa ito, akala ko fake news. Lalo tayong na­ngangamba baka may nangyayari nga na GCTA for sale sa Bucor. Naka­kabahala ang napabalitang pagsasama kay Janet Napoles sa listahan ng posibleng makalaya dahil sa GCTA,” (Aileen Taliping/Prince Golez/Lorraine Gamo/JC Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy