Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nagpositibo sa Benguet lumobo

0 133

Lumobo pa ngayon ang bilang ng COVID-19 cases sa Benguet.

Ayon kay Governor Melchor Diclas, mula sa 20 fresh COVID cases kada araw ay umaabot na aniya ito sa 400 kaso.

“Usually po, ang mga cases natin ay umaabot siya ng mga 10 to 20 cases a day. Sa ngayon, may time pong umabot tayo ng 400 plus. Kahapon po, ang kaso natin ay 300 plus,” sambit niya sa isang briefing nitong Lunes.

Ani Diclas, nasa 3,184 active cases na ang Benguet kung saan 10 dito ay nagpositibo sa Delta variant.

Dahil dito, pansamantalang sinuspinde ng lokal na pamahaalan ang kanilang tourism activities at nagkasa na din ng mga border controls para maiwasan ang patuloy pang pagkalat ng nakamamatay na virus. (VA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.