Una sa Balita

Nagpayabangan sa inuman: Kelot inararo ng saksak, todas

By
0 1,259

PATAY ang isang 29-­anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang kainuman nang mayabangan sa kanya habang nagkukuwentuhan, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Edwin Tagdulang, 29, na taga-Helping Complex, Aroma, Tondo, Maynila.

Habang naaresto naman ang suspek na si Amay Gamok, 31-anyos, taga-Bldg. 6 Aroma Compound, Tondo, Maynila, ilang oras matapos ang isinagawang follow-up operation ng Smokey Mountain Police Community Precinct.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Jonathan Ruiz, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa tapat ng Berto’s Junk Shop malapit sa bahay ng biktima at suspek.

Sinabi ng kinakasama ng biktima na si Ruby Melandres na nag-iinuman umano sila sa loob ng bahay nang biglang sapakin ng suspek ang biktima dahilan para magpambuno ang dalawa sa harap ng bahay.

Nagalit umano si Gamok dahil nayaba­ngan kay Tagdulang kaya ito sinapak.

Naawat naman ang dalawa at umalis ang suspek pero muli itong bumalik at armado na ng patalim nang bumalik at saka inararo ng saksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.