Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nagpaulan ng kilig: Bea, Dom todo yakapan, landian sa YT

0 157

Grabe ang kilig ng mga fan sa bagong entry ni Bea Alonzo sa kanyang YouTube channel, ang ‘Not My Hands Challenge with Dominic’, ha!

Ito nga `yung challenge na nasa harap ang isa, pero ang gumagalaw ay ang kamay ng tao sa likod niya. Magkadikit nga ang katawan nilang dalawa habang nagtuturo sila kung paano magluto.

“Grabe ang sarap niyong panoorin. Navi-vision ko ito na magkakatuluyan ni Bea!” sabi ni DJ Chacha.

“Ang gaan niyo lang talaga panoorin. So comfy and so in love. Bea and Dom were oozing with chemistry and positivity. Please protect your peace at all cost!” sabi ni Aina.

“Ito lang `yung vlog na inulit-ulit kong panoorin. Sobrang kilig!” sabi ni Ian.

“Beautiful couple. Nakangiti rin ako the whole time na pinapanood ko ang video. Good vibes talaga!” sabi ni Living in the Moment.

Aliw nga na ang mga kamay ni Dominic ang gumagalaw habang dinidetalye ni Bea ang mga ginagawa nila.

Anyway, sa part naman na mga kamay ni Bea ang gumagalaw at si Dom ang nasa harap, mas matindi ang kulitan nilang dalawa. Pero ang ending, para kay Bea, mas masarap ang kay Dom.

Kaaliw nga na kung titingnan mo, todo yakapan, landian nilang dalawa, habang nagluluto, ha! Talagang hindi mo mamamalayan na kinikilig ka na rin, at napapangiti talaga.

“Oh my God, ang ganda ng sa’yo, at parang mas masarap ‘yung sa’yo!” papuri pa ni Bea kay Dom.

Siyanga pala, sa loob lang ng 19 oras ay kulang-kulang na sa 700,000 ang nanood ng video. Bongga, di ba? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.