Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nagpasilip ng boobs, dila: TV star muntik makulong sa abroad

0 421

Hinding-hindi na makakaulit ang TV star na ito sa isang grupo ng mga concert promoter, matapos niyang ilagay sila sa peligro. Muntik na ngang hindi matuloy ang show, at muntik na ring mabawian ng lisensya.

Kinuha ng promoter ang TV star dahil sa husay sa pagpapatawa, at sa pag-aakalang ‘yung comic-routine nito ay hanggang sa entablado lang.

Kaya lang likas na sa TV star ang pagbibiro nang walang pinipiling lugar kahit sa isang mahigpit na bansa, na bawal ang indecent exposure o action sa pampublikong lugar.

Nagulat ang promoter nang i-check in nila sa mamahaling hotel ang TV star. Hindi inaasahan ng promoter ang ginawa ni TV star na kung saan ay pinatong ang kanyang suso (labas ang cleavage) sa front desk ng hotel, at dumila-dila pa ito sa staff.

Kitang-kita ng promoter ang pagkabigla ng male staff sa ginawa ng TV star. May female staff din na nakakita ng eksena. Ang problema lang, Muslim ang babae at hindi kinaya ang nakita niya.

Nag-alala ang promoter na baka ireklamo ang TV star, at imbitahan ito sa presinto. Baka maantala ang concert o hindi makapag-perform si TV star. At possible talaga na ma-ban sila sa nasabing bansa.

Well, humingi naman ng dispensa ang TV star sa mga na-offend niya. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.