Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nagpasalamat sa GMA: Lovi sinalubong ng mga bossing ng ABS-CBN

0 98

Ang bongga nga ng pagdating ni Lovi Poe sa ABS-CBN, ha! Nilatag nga ng Kapamilya Network ang napakahaba nilang red carpet para kay Lovi.

Nakauwi na nga raw sa bago niyang tahanan ang tinaguriang “precious jewel” ng ABS-CBN matapos pumirma ng kontrata ang award-winning actress at showbiz royalty na si Lovi Poe kasama ang Kapamilya executives noong Huwebes (Setyembre 16).

Enggrande nga ang pa-red carpet welcome kay Lovi sa mismong ABS-CBN compound, kung saan sinalubong siya nina ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN group CFO Rick Tan, at Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal.

Dumalo rin sa contract signing ceremony ni Lovi ang talent manager niyang si Leo Dominguez.

Nakatakdang gawin ni Lovi ang unang Kapamilya drama series niya kasama ang natatanging ultimate heartthrob na si Piolo Pascual.

Ito ay matapos bumida ni Lovi sa unang ABS-CBN project niya, ang 2020 iWantTFC original movie na “Malaya” na nagbigay sa kanya ng Gawad Urian Best Actress nomination.

Subok na ang pambihirang ganda at talento ni Lovi sa iba’t ibang projects, mapa-pelikula o telebisyon man, hanggang sa modeling at pagiging recording artist niya.

Kaya naman masasaksihan ang iba’t ibang talento ni Lovi sa ABS-CBN na gumagawa ng mga palabas, pelikula, musika, digital show, at concert sa TV at sa digital.

Sa 15 taon niya sa industriya, nagwagi na si Lovi ng Best Actress trophies mula sa FAMAS Awards at Cinemalaya Independent Film Festival. Maituturing ding fashion at style icon si Lovi dahil sa pagiging suki niya sa maraming magazine covers sa loob at labas ng bansa. Isa rin siya sa pinaka-pinagkakatiwalaang brand endorsers sa bansa na may higit sa 11 milyong followers sa personal social media pages niya.

Sa pagtuloy niya bilang isang Kapamilya sa bagong kabanata ng kanyang career, mas marami ring international projects ang gagawin ni Lovi.

Ngayong taon, inilunsad ni Lovi ang recording career niya sa US at naglabas ng mga awiting “Candy,” “Lost,” at “Under” sa ilalim ng VIM Entertainment sa Los Angeles. Malapit na rin niyang i-release ang EP niya sa tulong ng American producers na sina Bob Robinson, KrisKeyz, at Grammy winner na si Omen.

Bibida rin si Lovi sa unang Hollywood movie niya kasama ang British stars na sina Alex Pettyfer at Poppy Delevingne, ang “The Chelsea Cowboy,” kung saan gaganap siya bilang ang English singer at icon na si Dana Gillespie.

Oh, di ba? Ang bongga ni Lovi! (Dondon Sermino)

***

Nagpasalamat naman si Lovi Poe sa GMA 7 sa nagawa nito sa kanyang career sa loob ng 15 taon.

“Mananatili sa Puso. Hindi po biro ang 15 years. I would like to thank GMA for taking a chance to this unknown dreamer, for believing on me and supporting me all these years. I have utmost respect and gratitude to the network that has given me my roots and a heart full of memories.

“Thank you for planting my dreams. Thank you for giving it time, love and effort to water it.

“Punung-puno ng pagmamahal at pasasalamat. Lovi Poe.” (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.