Una sa Balita

Nagpasaklolo sa hospital bills ng namatay na anak

By
0 155

Nagmamakaawang humihingi ng tulong ang isang mag-asawang Overseas Filipino Wor­ker (OFW) dahil sa pagkakaroon ng malaking bill sa isang pagamutan sa Dubai nang mamatay ang kanilang anak kamakailan.

Base sa report, nasa 250 AED (Arab Emirates Dirham Arab) o humigit kumulang sa P3milyong piso na utang ng mag-asawang Rollie at Rhodora Tindugan sa bansang Dubai sa Zulekha Hospital.

Batay sa pahayag ni Rollie, nakunan ang kanyang asawang si Rhodora sa kanilang anak na si Baby Timothy noong Abril 20 nang dahil sa stress matapos malaman nitong nawalan na siya ng trabho bilang graphic artist noong buwan ng Marso.

“After rushing to the emergency of at least 6 hospitals where we were refused help, we reached this hospital that admitted my wife and Timothy was born,” pahayag pa ni Rollie.
Halos dalawang buwan sa nasabing pagamutan si Baby Timothy nang siya ay tuluyan nang payagang lumabas ng mga doktor.

Ngunit makalipas ng dalawang linggo, noong Hunyo 16 nang taong kasalukuyan ay binawian na ng buhay ang sanggol dahil sa kakulangan sa oxygen.

Dahil sa tagal na pananatili sa ospital ay nagkaroon ng malaking bill ang mag-asawang Tindugan sa ospital na kinakailangan nilang mabayaraan bago sumapit ang buwan ng Setyembre 20.

Hinala naman ni Rollie na kaya’t pinalabas nang maaga ang kanyang anak ay dahil sa malaki na ang kanilang babayaran o bill sa pananatili sa nasabing ospital ang kanilang anak.

Samantala, nag-expired na ang mga visa ng mag-asawa noong Mayo 5 at kinuha naman ng nasabing pagamutan ang kanilang mga pasaporte o passport bilang pagsisiguro na mabayaran nila ang nasabing bill.

Humingi naman ng tulong si Rhodora sa kanyang kumpanya ngunit hindi na ito pinagbigyan dahil sa nawala na ito sa kanyang pinagtatrabahuan, habang ang insurance provider ni Rollie ay patuloy pang iniimbestigahan.

Nasiyahan naman ang mag-asawa matapos makatanggap ng tawag dahil sa magkakaroon ng fund raising ang mga Graphic Artists sa Dubai upang makatulong sa kanilang pamilya.

Gumawa rin ng online donation drive si Rollie noong Hulyo 2 para sa mga gustong tumulong sa kanilang pamilya.

Sa kasalukuyan, kinukumpleto na ng kanilang pamilya ang registration processes ni Baby Timothy.

Pinag-iisipan na rin ng mag-asawa na matapos ang kanilang problema sa ospital at pinagpasya na nilang umuwi na ng Pilipinas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy